Skip to main content

WEATHER UPDATE | Sirkulasyon ng Bagyong Gardo at ang Super Typhoon Hinnamnor (international name)

WEATHER UPDATE | Maaaring mag-merge ang sirkulasyon ng Bagyong Gardo sa loob ng Philippine Area of Responsibility at ang Super Typhoon Hinnamnor (international name) na nasa labas ng PAR, ayon sa PAGASA at sa wind map ng #MetraWeather.
Dahil dito, hindi magkakaroon ng Fujiwhara effect o ang pagsasayaw ng dalawang bagyo dahil mas malakas ang Super Typhoon Hinnamnor kaysa sa Bagyong Gardo. Imbes na may pagsasayaw ng mga bagyo kung saan ‘yung isang bagyo ay umiikot sa kabilang sentro ng bagyo, hihina at sasanib na lamang ‘yung sirkulasyon ng bagyong Gardo sa sirkulasyon ng Hinnamnor.
Mananatili ang bagyong “Hinnamnor” sa east ng Taiwan o northeast ng Batanes sa mga susunod na araw. Kapag naging parang stationary ang nasabing bagyo ay hahatak ‘yan nang husto ng hanging #Habagat.
Official Website of Municipality of Moncada