
WEATHER UPDATE | JUNE 03, 2023
WEATHER UPDATE | Opisyal nang idineklara ng PAGASA ang umpisa ng tag-ulan o “Rainy Season.” Ayun sa weather forecast na kanilang inilabas kaninang alas kwatro ng madaling araw, tinatayang sampo (10) hanggang labin-limang (15) tropical cyclones ang mabuo mula ngayong Hunyo hanggang Oktubre.
Samantala, inaasahan pa rin ang pag-iiba ng klima lalo na’t nagbabadya parin ang pagkaranas ng El Niño.