UNSCHEDULED POWER INTERRUPTION
Oras ng Pagkawala: 1:20 PM
Apektadong Lugar: Buong Franchise Area ng TARELCO I
Dahilan: Pagbiyahe/pagkaantala sa 69kV Concepcion – Camiling Line ng NGCP (Kasalukuyan pang inaalam ang tiyak na sanhi o to be determined)
Detalye:
Ipinapaalam ng Pamunuan ng TARELCO I sa lahat ng aming mga MCOs na kasalukuyang nakakaranas ng di-inaasahang pagkawala ng suplay ng kuryente ang buong nasasakupan ng ating kooperatiba.
Ito ay bunsod ng pagpalya ng 69kV Concepcion – Camiling transmission line na pagmamay-ari at pinangangasiwaan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). Kasalukuyan pang nagsasagawa ng pagsusuri at inspeksyon ang hanay ng NGCP upang matukoy ang pinagmulan ng naturang aberya.
Nakaantabay at patuloy ang pakikipag-ugnayan ng TARELCO I sa NGCP upang maibalik ang normal na daloy ng kuryente sa lalong madaling panahon oras na maging maayos at ligtas na ang linya.
Ibayong pag-iingat ang pinapayuhan sa lahat.
Ibayong pag-iingat ang pinapayuhan sa lahat, iminumungkahing i-unplug muna ang mga sensitibong appliances upang maiwasan ang pinsala sa oras ng muling pagbabalik ng kuryente.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pasensya.
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/19fZzuNLtV/
