Turn over ng 10,000 Bags Capacity Onion Cold Storage Facility

March 16, 2022 – Pinasinayaan ng Department of Agriculture Regional Field Office 3 – High Value Crops Development Program (DARFO3-HVCDP) ang 10,000 Bags Capacity Onion Cold Storage Facility sa Sapang Multi-purpose Cooperative ng Brgy. Ablang Sapang, Moncada, Tarlac.
Kumpiyansa ang Sapang Multi-purpose Cooperative na malaking tulong ang onion storage para sa mga magsasaka ng kooperatiba at ng kanilang bayan upang maitataas pa ang kita sa sibuyas at matatanggal na ang mga middlemen na karaniwang bumibili ng kanilang produkto sa napakababang halaga.
Ayon kay Regional Executive Director Crispulo G. Bautista, Jr., sisiguraduhin ng Kagawaran na magtatayo pa ng mga pasilidad tulad ng onion cold storage sa Gitnang Luzon upang maiwasan din ang pagkalugi ng ating mga magsasaka.
Dinaluhan din ang turn over ceremony nila High Value Crops Development Program and Rural Credit Project Development Officer IV Jose Jeffrey Rodriguez , DARFO3-HVCDP Focal Person Engr. AB P. David, APCO-Tarlac Ricky Manguerra, Moncada Mayor Estelita M. Aquino, Municipal Agriculturist Eduardo D. Balgos, Jr.,. at mga miyembro ng Sapang Multi-purpose Cooperative.
Ang nasabing onion cold storage ay mula sa proyekto sa ilalim ng Bayanihan II HVCDP sa taong 2020.
#OneDA #DACentralLuzon

EMERGENCY ASSISTANCE

CONTACT INFORMATION

(045) 606 – 5374
(045) 606 – 5405
(045) 606 – 5406
info@moncadatarlac.gov.ph

VISITOR COUNTER

071380

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

ABOUT GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.

Official Website of Municipality of Moncada