Skip to main content

Tricycle Driver ng San Leon TODA, Nagbalik ng Napulot na Pitaka


Ibinalik ngayong umaga ng tricycle driver na si Emillano Dela Cruz (nasa kaliwang bahagi ng larawan) mula San Leon ang isang pitakang naglalaman ng mahahalagang ID at mahigit ₱10,000 sa may-ari nito na si Darren Jay Corpuz (nasa kanang bahagi ng larawan) mula Urdaneta City.

Ayon kay Dela Cruz, napulot niya ang pitaka bandang alas-diyes ng umaga habang bumibyahe sa kahabaan ng Rizal Highway. Agad niyang nakontak si Corpuz gamit ang impormasyong nakasaad sa mga ID sa loob ng pitaka.

Ayon kay Corpuz, nakalaan ang nasabing halaga para sa mahalagang gastusin. Kasama ni Dela Cruz sa pagbabalik ng pitaka ang presidente ng Moncada United Tricycle Drivers Association (MUTDA) na si Jefferson Agliam (nasa gitna).

CLICK LINK FOR MORE: https://www.facebook.com/share/p/19pWu2CZmW/

Written by moncada_admin111 on .