
TINGNAN | Patuloy ang ating paghatid ng tulong sa ating mga TUPAD Beneficiaries sa ating Bayan
TINGNAN | Patuloy ang ating paghatid ng tulong sa ating mga TUPAD Beneficiaries sa ating Bayan. Ang programang ito ay naglalayong makatulong sa mga displaced at disadvantaged workers na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya o mga manggagawa mula sa informal sector. Bukod pa dito, ninanais din ng programang ito na mapagaan ang ‘economic impact’ na dulot ng Covid19Pandemic.
Liman-daang benepisyaryo ng programa ang inaasahang makikilahok sa TUPAD Orientation mula ika-13 hanggang ika-14 ng Hulyo at sinisigurong mas mapadami pa ang magiging benepisyaryo sa tulong ng ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating butihing Ina ng Bayan, Mayor Estelita M. Aquino katuwang ang masipag at matulungin na Congressman ng first district ng Tarlac na si Hon. Carlos “Charlie” O. Cojuangco.