
TINGNAN | MES, PINASOK NG MAGNANAKAW
Sinalakay ng mga magnanakaw ang Mabini Elementary School ngayong araw kung saan nadatnan na lamang ng mga guro at mga estudyante ang mga nagkalat na kagamitan ng paaralan.
Ayon sa mga impormasyong nakalap ng mga awtoridad, tatlong TV ang nasamsam ng mga salarin sa loob ng paaralan.
Agad na nagresponde ang mga pulis sa insidenteng ito upang magsagawa ng imbestigasyon at makahanap ng mga ebidensiya. Nag-iikot din sila sa mga kalapit na lugar upang makakuha ng posibleng impormasyon mula sa mga residente.
Ingat ang lahat, kailyan!