Skip to main content

TAGA TARLAC, WAGI SA PAINTING COMPETITION SA PROBINSYA NG NUEVA ECIJA

Congratulations kailyan John Melvin Garcia !
Muling namayagpag ang isa nating kailyan sa larangan ng pagpipinta sa katatapos na Painting Competition sa Probinsya ng Nueva Ecija.
Sya din ang nanalo sa ating nakalipas na Mural Painting Competition at ang nagwagi sa Art Interpretation ng tema ng ating nakaraang piyesta.

Muli, isang malugod na pagbati mula sa Bayan ng Moncada kailyan!

Tatlong Taga Tarlac ang nakasungkit sa 1st, 2nd, and 3rd prizes sa ginanap na Art Competition kahapon, Pebrero 19– sa SM City Cabanatuan.
Kabilang dito ang mag-asawang John Melvin Garcia, 28, at Reyanna Guansing, 27, na taga Moncada, Tarlac— na nasungkit ang 1st at 3rd prize.
Nasungkit naman ni Christian Soria ang 2nd place sa nasabing kumpetisyon.
Kwento ni John Melvin sa TTKK, taga bayan ng Moncada talaga s’ya, at dahil nakapangasawa siya sa Nampicuan, Nueva Ecija ay apat na taon na ring residente ito ng Nueva Ecija, gayundin si Christian Soria.
“Yung competition kasi is for Novo Ecijano, eligible naman ako sumali kasi resident ako now ng Nueva Ecija for 4 years sa Nampicuan. Pero originally taga Moncada talaga ako. Kaya pag may pa-contest ang tourism nila isinasali din [ako]. saad ni John Melvin. | Admin Era for #TTKKPride
Official Website of Municipality of Moncada