Natanggap na ng ating mga Lolo at Lola ang kanilang Social Pension para sa unang quarter ng kasalukuyang taon. Ang ating bayan ay mayroong 750 qualified Senior Citizens na benepisyaryo ng programang ito. Sila ay nakatatanggap ng P1,500 kada quarter.
Pinangunahan ni Gng. Mildred G. Arciaga, head ng MSWD, ang pamamahagi ng nasabing Social Pension, na patuloy na sinusuportahan ni butihing Punong Bayan, Estelita M. Aquino at Lokal na Pamahalaan.
#mabuhayLOLOatLOLA #socialpension #parakayloloatlola