SABAYANG 4 O’ CLOCK HABIT KONTRA DENGUE 2022

AUGUST 12 , 2022
SABAYANG 4 O’ CLOCK HABIT KONTRA DENGUE 2022
CAMPOSANTO 2
CAMPOSANTO 1 SUR
POBLACION 1
POBLACION 3
POBLACION 4
STA. MARIA
BANAOANG EAST
Sa pangunguna ng mga Barangay Dengue Task Force na binubuo ng mga brgy. officials at health workers ay nagsagawa ang lahat ng barangay sa bayan ng Moncada ng SABAYANG 4 O’CLOCK HABIT KONTRA DENGUE na may layuning mabawasan o tuluyang masugpo ang pagtaas ng kaso ng Dengue sa ating probinsya. Ito ay alinsunod sa paghingi ng ating ina ng bayan madam Estelita Aquino at Municipal Health Officer Dr. Peter Louie Tamayo ng tulong at pakikiisa sa bawat barangay.
Ang pagpapanatili ng malinis na kapaligiran ang isa sa pinakamabisang paraan ng pag-iwas sa sakit na Dengue. At napakapalad ng bayan ng Moncada dahil ang mga miyembro ng Dengue Task Force ay mayroong sapat na kaalaman sa paghanap at pagsira ng breeding sites o lugar kung saan madalas pamugaran at pangitlugan ng mga lamok na syang nagdudulot ng naturang sakit. Ito ay dahil sa aktibong partisipasyon nila sa ginagawang DENGUE VECTOR SURVEILLANCE sa pamumuno ng ating sanitation inspector sir Roy Tabelisma Quindara, mga RHU staff at mga nars mula sa DOH (HRH) magmula pa noong mga nakaraang taon.
#DENGUEOUT #4SkontraDengue #DengueTaskForceInAction #DOyourPartToStopDENGUE #fightDengueAmidstThePANDEMIC #MoncadaHealthTeam #GoodbyeLAMOK #pagbabalikNgTapatKoLinisKo

EMERGENCY ASSISTANCE

CONTACT INFORMATION

(045) 606 – 5374
(045) 606 – 5405
(045) 606 – 5406
info@moncadatarlac.gov.ph

VISITOR COUNTER

019309

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

ABOUT GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.

Official Website of Municipality of Moncada