RAMON BENITO “RB” AQUINO TAKES OATH AS VICE MAYOR OF MONCADA

Ngayong araw ng Martes ay pormal nang nanumpa sa kaniyang katungkulan si Councilor Ramon Benito “RB” M. Aquino bilang bagong Vice Mayor ng Bayan ng Moncada sa harapan ni Mayor Estelita M. Aquino. Ito ay alinsunod sa itinakda ng batas na kung saan ang konsehal na may pinaka-mataas na nakuhang boto sa nakaraang eleksyon ang naatasang humalili sa bise alkalde sa panahong mabakante ang naturang posisyon. Naging saksi naman ang lahat ng miyembro ng Sangguniang Bayan ng Moncada, kasama ang ating MLGOO Ms. Aimee L.Tavisora sa naganap na oath taking. Sa kaniyang maikling mensahe ay nangako naman si Vice Mayor RB Aquino na gagawin niya ang lahat ng kaniyang makakaya upang makapagbigay ng serbisyong may malasakit sa Bayan ng Moncada.

EMERGENCY ASSISTANCE

CONTACT INFORMATION

(045) 606 – 5374
(045) 606 – 5405
(045) 606 – 5406
info@moncadatarlac.gov.ph

VISITOR COUNTER

031090

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

ABOUT GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.

Official Website of Municipality of Moncada