Skip to main content

Proyekto ng FY 2023 SGLG-IF ng Moncada, Tarlac, Sumailalim sa Isantg Malalimang Pagsusuri ng DILG Tarlac

Isinagawa ang malalimang pagsusuri ng DILG Tarlac, alinsunod sa FY 2023 Seal of Good Local Governance para sa Lokal na Pamahalaan ng Moncada nitong ika-9 ng Mayo, taong kasalukuyan. Layunin nito ang pagtitiyak na sinusunod ng lokal na pamahalaan ang mga pamantayan ng DILG para sa naturang proyekto.
Ang proyektong ito ay pagtatayo ng konkretong kalsada sa Barangay Camangaan East, Moncada, Tarlac. Ang proyektong farm-to-market road ay may layong mapadali ang pag-access ng mga residente sa mga mahahalagang serbisyo ng bayan at upang maibsan ang umuusbong na problema patungkol sa transportasyon sa nasabing barangay.
Matagumpay na isinagawa ang pagsusuri kasama ang mga kinatawan mula sa DILG Tarlac at Lokal na Pamahalaan ng Moncada.
#SIKADTarlac
#TatagatLakasngTarlac
#TALAngTarlac
#MatinoMahusayMaaasahanatMapagkakatiwalaan

Official Website of Municipality of Moncada