Persons with Disabilities Monthly Meeting

Ngayon araw, tayo po ay nagkaroon ng Persons with Disabilities Monthly meeting sa pamumuno ng ating butihing Mayor Estelita Aquino sa pagsulong sa mga adhikain at karapatan ng mga PWDs sa ating bayan.
Kasama ang ating mga Punong Barangays, sa pangunguna ni Dr. George Cuchapin, LnB President, mga Barangay Treasurers at Barangay PWD Presidents tinalakay ang mga layunin ng bawat isa tungo sa isang napapabilang na sektor ng barangay ang mga Persons with Disabilities (PWD), kaakibat nito ay ang diskusyon sa Joint Circular No. 2003-01 “Implementing guidelines for setting aside one percent of Government Budget for Programs/Projects related to Senior Citizens and the Disabled”.
Layunin ng pagpupulong na ito na paigtingin pa lalo ang pagpapatupad at adbokasiya ng mga programa, proyekto at aktibidad ng ating Lokal na Pamahalaan ng Moncada ukol sa kapakanan ating mga PWDs.

EMERGENCY ASSISTANCE

CONTACT INFORMATION

(045) 606 – 5374
(045) 606 – 5405
(045) 606 – 5406
info@moncadatarlac.gov.ph

VISITOR COUNTER

031094

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

ABOUT GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.

Official Website of Municipality of Moncada