PAY EASY SA EC PAY!!!

Maaari nang bayaran ang inyong mga TARELCO I Electric Bill anumang araw at oras sa lahat ng mga Authorized Payment Centers ng ECPay at sa mga 7-Eleven Stores simula sa Agosto 26, 2020.

T: SINO ANG MAAARING MAGBAYAD?
S: Mga Member-Consumer-Owners (MCOs) na nagbabayad sa loob ng itinakdang panahon o updated sa pagbabayad ng electric bill at walang anumang pending billing complaints.

T: KAILAN DAPAT MAGBAYAD?
S: Isa o dalawang araw (working days) pagkatanggap ng inyong Statement of Account (SOA) hanggang bago dumating ang susunod o panibagong SOA

T: PAANO ANG PAGBABAYAD?
S: Dalhin ang current SOA. Bayaran ang kabuuang halaga o TOTAL AMOUNT DUE ng electric bill pati na ang Convenience Fee na ₱5.00. Kunin at itago ang Acknowledgment Receipt bilang katunayan ng pagbabayad.

Paalala:
👌Tanging cash lamang ang tatanggapin na pambayad sa lahat ng Authorized Payment Centers ng ECPay at 7-Eleven Stores
👍Ang pag-post ng inyong binayarang electric bill ay gagawin sa loob ng 1-2 working days

Ito ay unang hakbang pa lamang at patuloy na gumagawa ang TARELCO I ng mga paraan upang mapadali at maging maginhawa ang pagbabayad ng ating mga member-consumer-owners.

Para sa iba pang katanungan, makipag-ugnayan sa pinakamalapit na tanggapan ng TARELCO I sa inyong lugar.

EMERGENCY ASSISTANCE

CONTACT INFORMATION

(045) 606 – 5374
(045) 606 – 5405
(045) 606 – 5406
info@moncadatarlac.gov.ph

VISITOR COUNTER

071379

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

ABOUT GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.

Official Website of Municipality of Moncada