
Patuloy Ang Pagresponde Ng MDRRMO Moncada Sa Iba’t Ibang Panig Ng Ating Bayan
Matapos makabitan ng kuryente ang evacuation center ng Sta. Lucia ay agad din nagtungo ang mga personnel nito sa Sta. Maria upang inspeksyonin ang mga apektado ng #EgayPH .
Ayon sa ulat, nakikipag-ugnayan na ang opisina sa Sta. maria Elementary School upang ito’y pansamantalang gawing evacuation site.
Sa tala ng balita, 60 na pamilya ang apektado ng pagbaha. Tuluy-tuloy pa rin ang pagbabantay ng mga personel ng MDRRMO Moncada, Moncada Pnp at BFP.