
Paskuhan ng Kabataang Moncadenian
Namamasko po, Kailyan!
Materyal man o hindi, bago man o luma, at mahal man o mura basta mula sa kaibuturan ng puso, lahat ay magiging espesyal. Ang tunay na kahulugan ng pasko ay pagbibigayan at pagmamahalan.
Ngayong kapaskuhan, ay maghahatid ng galak ang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan ng Munisipalidad ng Moncada. Walong distrito, walong benepisyaryo ang muhon ng programang paSKuhan ng Kabataang Moncadenean. Kaloob nito ang pagbibigay ng munting regalo sa mga kabataang nangangailan ng liwanag ng pasko at simoy ng kasiyahan.
Kaya mula sa pederasyon ay kumakatok kami sa mga may mabubuting puso at may umaapaw na biyayang natatanggap ng kaunting donasyon para sa mga benepisyaryong ito.
Ang 37 barangays ng Moncada ay maglalagay ng mga Christmas box sa kani-kanilang mga barangay upang magsilbing tanggapan ng mga donasyon simula Ika-20 ng Nobyembre.
Mga Kailyan, sama-sama nating ipalaganap ang tunay na diwa ng pasko – PAGBIBIGAYAN!
Pederasyong iisa, lalayag ng sama-sama!
#PaskoSaMoncada