
Pamamahagi ng Benepisyo Para sa Senior Citizens na Nasa Edad na 90
20 OKTUBRE 2021 | Isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Moncada sa pangunguna ni Hon. Mayor Estelita M. Aquino katuwang ang MSWDO at Senior Citizens’ Office ang pamamahagi ng benepisyo para sa Senior Citizens na nasa edad na 90.
Ang programang ito ay alinsunod sa Municipal Ordinance No. 4 series of 2020, o kilala bilang Longevity Bonus Ordinance na kung saan ang bawat mamamayan na maka-aabot ng siyam na pung (90) taon ay mabibigyan ng 9,000.00 bilang pagkilala sa kanilang natatanging kontribusyon bilang mamamayan ng Moncada.
Bukod sa pamamahagi ng cash assistance na natatanging proyekto ng lokal pamahalaan, nagpaabot din ang butihing Punong Bayan ng Facemasks sa lahat ng dumalo.
Naguumapaw naman ang pasasalamat ng mga Senior Citizens at kanilang pamilya sa kanilang natanggap na cash assistance.