
Palay Assistance to Legislators and Local Government Units (PALLGU) Program
PALAY ASSISTANCE TO LEGISLATORS AND LOCAL GOVERNMENT UNITS (PALLGU) PROGRAM NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG MONCADA AT NATIONAL FOOD AUTHORITY
Ngayong araw ng Biyernes ay matagumpay nating naisagawa ang payout para sa mga magsasakang benepisyaryo ng Palay Assistance to Legislators and Local Government Units o PALLGU na kung saan ay nagbibigay ng karagdagang kabayaran ang Lokal na Pamahalaan ng Moncada sa mga magsasakang nakapagbenta ng kanilang aning palay sa National Food Authority.
Isa ito sa ating mga prayoridad na programa upang makatulong sa mga magsasaka sa ating bayan.
Katuwang natin sa proyektong ito ang National Food Authority Tarlac sa pangunguna ni Engr. Charles G. Alingod at gayundin ang Municipal Agriculture Office sa pamumuno ng ating Acting Municipal Agriculturist na si Mr. Eduardo D. Balgos, Jr. Atin ding nakasama sa aktibidad ang Sangguniang Bayan ng Moncada sa ilalim ng liderato ni Vice Mayor RB Aquino at ilang mga personalidad mula sa Provincial Agriculture Office.
#agricultureprogram
#pallgu
#MalasakitsamgaMagsasaka