
Paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng University of the Philippines – School of Health Sciences – Diploma in Midwifery
22 HULYO 2021 | Bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng University of the Philippines – School of Health Sciences – Diploma in Midwifery sa San Isidro, Tarlac, ay nagsagawa ng pagpupulong at orientation ang Lokal na pamahalaan ng Moncada sa pamumuno ni Mayor Estelita M. Aquino. Nakasama rin natin ang mga propesor na sina, Prof Pedro M. Magadan, Prof Ben De Paz, at Prof Ciriaco A. Ty na silang magtuturo sa nasabing eskwelahan, DepEd Representatives na sina Ma’am Arlene Ramirez, Ma’am Maria Gracia Ledesma, Sir Manuelito Yangco, Ma’am Marylene Antalan, Engr. Vilma Aguas at mga Punong Barangays mula sa determined priority communities kung saan magmumula ang mga nominadong kabataan.
Tinalakay sa nasabing orientation ang Recruitment and Admission Guidelines kung saan magkakaroon ng Barangay Screening and Nominating Committee (BSNC) na pangungunahan ng ating Municipal Health Officer na si Dr. Peter Louie Tamayo at Municipal Local Government Operations Officer Aimee Tavisora. Kabilang din sa BSNC ang Punong Barangay, Rural Health Midwife, School Principal ng nasasakupang Barangay, Dalawang piling residente sa Barangay Assembly. Nilinaw naman ng UPM-SHS na hindi maaaring kamag-anak ng mga nominado ang sinumang miyembro ng komite. Inilatag na rin ang mga kinakailangang mga papeles na magsisilbing Supporting Documents para sa aplikasyon ng Scholarship.
Ang programang ito ay para sa mga kabataang nangangarap na maging Midwife, Nurse at Doktor ngunit kapos sa kakayahang mapag-aral ng kanilang mga magulang. Paghahatian naman ng eskwelahan at ng lokal na pamahalaan ang mga gastusin para sa pag-aaral ng mga iskolars. Ang mga Iskolar ng Bayan naman, bilang tugon, ay maninilbihan sa komunidad na kanilang kinabibilangan pagkatapos nilang mag-aral, sila ay pasasahurin at popondohan parin ito ng lokal na pamahalaan.