Pag-inspeksyon sa Moncada Polytechnic College
Magandang hapon po! Ipinagmamalaki po natin ang unang batch ng mga nagtapos ng NC III sa Bookkeeping at NC II sa Customer Service mula sa Moncada Polytechnic College.
Kasama sina Bise Gobernadora Lita Aquino at Mayor RB Aquino ng Moncada, personal din po nating sinuri ang kalagayan ng kolehiyo at nilibot ang bagong gusali upang matiyak na maayos at handa ito para sa mga susunod pang henerasyon ng Tarlaqueñong mag-aaral.
Patuloy po nating isusulong ang dekalidad na edukasyon para sa pag-unlad ng bawat pamilya at ng buong lalawigan ng Tarlac. ![]()
CLICK THE LINK TO WATCH:
Written by moncada_admin111 on .
