Skip to main content

PABATID SA PUBLIKO 


PABATID SA PUBLIKO | Alinsunod sa Memorandum Circular No. 116 na inilabas ng Malacañang, ipinaaalam sa lahat na ang Lokal na Pamahalaan ng Moncada ay magpapatupad ng Work-From-Home (WFH) arrangement bukas, ika-1 ng Abril, 2026, mula Alas Otso ng Umaga (8:00 AM) hanggang Alas Dose ng Tanghali (12:00 NN) lamang.

Pagkatapos nito, ang operasyon ng mga tanggapan sa hapon ay suspendido.

Gayunpaman, ang mga tanggapan na may tungkuling maghatid ng mga pangunahing serbisyo at serbisyong pangkalusugan, paghahanda at pagtugon sa mga sakuna at kalamidad, at iba pang mahahalagang serbisyo ay magpapatuloy sa kanilang operasyon sa ilalim ng karaniwang working arrangements upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagbibigay ng kinakailangang serbisyo sa publiko.

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/18ZgtdHRCV/

Written by moncada_admin111 on .