Skip to main content

PAALALA SA MGA MOTORISTA AT MGA DUMADAAN SA TAGUMBAO BRIDGE AT SAN BARTOLOME BRIDGE


PABATID SA PUBLIKO

Batay sa pinakahuling pag-iinspeksyon, ang Tagumbao Bridge ay nananatiling passable para lamang sa mga light vehicles, habang mahigpit na ipinagbabawal ang pagdaan ng mga mabibigat na sasakyan (heavy vehicles) bilang pag-iingat para sa kaligtasan ng lahat. Samantala, ang San Bartolome Bridge ay passable rin lamang para sa mga light vehicles.

Pinapayuhan ang mga motorista, lalo na ang mga nagmamaneho ng mabibigat na sasakyan, na gumamit ng mga alternatibong ruta at sundin ang mga umiiral na abiso at regulasyon.

Dahil sa patuloy na pag-ulan, inaanyayahan din ang lahat na mag-ingat sa pagmamaneho. Maghinay-hinay sa kalsada, panatilihin ang ligtas na bilis, at manatiling alerto upang maiwasan ang anumang aksidente.

Ang kaligtasan ng bawat Geronian ay nananatiling ating pangunahing prayoridad. Maraming salamat sa inyong kooperasyon at pag-unawa.

#SerbisyongMayPuso#SerbisyongTotoo#LGUGerona#PublicAdvisory#RoadSafety#GeronaTarlac

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/19gWYw8sij/

Written by moncada_admin111 on .