Skip to main content

ORDINANSA PARA SA HEADLIGHT, TAIL LIGHT, SIDE MIRROR AT IBA PANG BAHAGI AT ILAW NG MGA TRAYSIKEL AT MOTORSIKLO PARA SA MAS LIGTAS NA BIYAHEIlan sa mga dahilan ng aksidente sa kalsada, lalo na tuwing gabi at kapag maulan ang panahon, tulad ngayong panahon ng Habagat, ay ang mga sirang headlights, tail lights, signal lights at brake lights. Kaya naman, alinsunod sa bagong kautusan ng Pamahalaang Bayan ng Moncada, lahat ng mga tricycles at single motorcycles ay dapat mayroong functional headlight, tail light, brake light, signal light at side mirror upang maging ligtas ang pagba-biyahe lalo sa gabi at kapag maulan ang panahon. Ito ay para sa kaligtasan ng lahat ng road users, commuters, at mga pampasadang mga traysikel.📌 Mga Bagong Alituntunin sa ilalim ng Municipal Ordinance No. 2026-007:[Para sa mga Tricycle Drivers/Owners/Private at Pumapasada:]


  • Kawalan o sirang headlight – ₱500.00
  • Kawalan o sirang tail light – ₱500.00
  • Non-functional brake light – ₱300.00
  • Kawalan o sirang signal/turn light – ₱300.00 bawat isa
  • Kawalan ng side mirror (mandatory ang kaliwang side mirror sa traysikel; exempted ang kanang side kung hindi puwedeng ikabit dahil sa sidecar structure) – ₱300.00
    [Para sa mga Motorcycle at Scooter Drivers:]
  • Kawalan o sirang headlight – ₱500.00
  • Kawalan o sirang tail light – ₱500.00
  • Non-functional brake light – ₱300.00
  • Kawalan o sirang signal/turn light – ₱300.00 bawat isa
  • Kawalan ng side mirror – ₱300.00 bawat isa
    👉 PAALALA: Ang mga multa sa ilalim ng ordinansa ay hindi makakaapekto sa parusa na itinakda ng mga National Laws at regulasyon ng LTO o PNP-HPG. Kung ang apprehending officer ay deputized ng LTO o PNP, ang national penalties ang susundin, na kung saan ito ay mas mataas kaysa sa mga lokal na Ordinansa.
    Magsilbing babala at paalala ito sa lahat ng mga motorista sa Moncada: Siguraduhin na kumpleto at functional ang inyong ilaw at salamin bago bumiyahe. Ang kaligtasan ng lahat ay nakasalalay sa disiplina ng bawat isa.
    BASAHIN ANG BUONG TEKSTO: https://drive.google.com/…/1TVXwGA43N4IacR4…/view…
    Ang Ordinansa ay magkakaroon ng bisa labinlimang araw (15 days) matapos itong maipost sa social media at sa 3 conspicuous places.
Written by moncada_admin111 on .