
Ngayong araw ay nagpasa rin ng isang Resolusyon ang Regional Inter-Agency Task Force ng Central Luzon
Ngayong araw ay nagpasa rin ng isang Resolusyon ang Regional Inter-Agency Task Force ng Central Luzon na naghihikayat sa mga LGUs na magpasa ng Ordinansa upang i-regulate ang mga unvaccinated individuals na mayroong mas mataas na tiyansang tamaan ng nakamamatay na sakit na COVID-19.
Alinsunod sa nasabing resolusyon ay nagpasa naman ngayong araw rin ang Municipal Task Force against COVID-19 ng Moncada ng isang resolusyon na nagrerequire ng polisiya na “No Vaccine, No Entry” sa mga establisyimento at mga tanggapan ng pamahalaan.