Muli nanamang tumataas ang mga bilang ng mga nagpopositibo sa Covid-19 sa ating bansa

Muli nanamang tumataas ang mga bilang ng mga nagpopositibo sa Covid-19 sa ating bansa, kabilang dito ang banta ng local transmission ng Omicron variant. Kaya naman, narito ang ilang mga paalala mula sa inyong lingkod upang ang lahat ay makaiwas sa naturang sakit:
1) MAGPABAKUNA – Ito ang isa sa pinakamabisang paraan upang makaiwas sa sakit na COVID-19 at sa severe form nito.
2) MAGPA-BOOSTER – Magtungo sa ating vaccination center upang magpabakuna ng booster dose kung ikaw ay eligible ng makatanggap nito. Ito ay mabisang paraan upang mapalakas ang immunity laban sa COVID-19 at sa iba’t ibang variants.
3) SUMUNOD SA HEALTH PROTOCOLS – Patuloy nating sundin ang health and safety protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng kamay, pag-gamit ng alcohol at safe physical distancing. Umiwas din sa mga matataong lugar at non-essential gatherings.
Para sa vaccine schedules, i-follow lamang ang Moncada Information Office, Mayor Estelita M. Aquino at RB Aquino FB Pages para sa mga latest updates, advisories at announcements.
#EMAlasakit
#BidaAngMayDisiplina

EMERGENCY ASSISTANCE

CONTACT INFORMATION

(045) 606 – 5374
(045) 606 – 5405
(045) 606 – 5406
info@moncadatarlac.gov.ph

VISITOR COUNTER

044688

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

ABOUT GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.

Official Website of Municipality of Moncada