Skip to main content

Motor Accident sa Junction ng Rizal, C1N at Burgos | May 11, 2023

TINGNAN | Isang motorista ang naaksidente sa junction ng Rizal, C1N at Burgos ngayong hapon.
Ayon sa ulat mula sa mga saksi, biglaang tumigil ang kotseng nasa harap ng motoristang ito ngunit dahil sa bilis ng kanyang pagmamaneho ay hindi na ito nai-preno ng maayos ng drayber ng motor na siyang naging sanhi ng pagkakatumba nito.
Ito ay narespondehan na ng mga awtoridad.
Samantala, ipinahahatid ng Lokal na Pamahalaan ng Moncada na magingat ang lahat sa pagmamaneho upang hindi maranasan ang ganitong mga insidente.
Official Website of Municipality of Moncada