Skip to main content

MONCADA TOURISM OFFICER, UNANG PANGULO NG ALTO-TARLAC


Opisal nang nanumpa si Moncada Tourism Officer Andrew Y. Corpuz bilang kauna-unahang Pangulo ng bagong tatag na Association of Local Tourism Officers (ALTO) Tarlac nitong September 23, 2026 sa Old Sangguniang Panlalawigan Hall, Capitol Building.

Pinangunahan ni Board Member at Tourism and Culture Committee Chairperson Pearl Erguiza Pacada ang oath-taking ceremony.

Kasama sa unang hanay ng mga opisyal sina Christian F. Lantano ng San Jose bilang Vice President, Dianna C. Macaraeg ng Ramos bilang Secretary, Paul L. Alata ng Capas bilang Treasurer, at Ranny Salting ng Bamban bilang Auditor.

Layunin ng ALTO-TARLAC na palakasin ang koordinasyon ng mga local tourism officers, pangalagaan ang kultura, heritage, at isulong ang sustainable tourism development sa buong lalawigan.

#RNews#RTVTarlac

Siguraduhing naka-like at follow sa RTV Tarlac Channel 26 Facebook page para sa mga napapanahong balita at mahahalagang impormasyon saan mang panig ng Mundo.

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1JFvGpf6fK/

Written by Support on .