MONCADA MPS, TARLAC PPO










Patuloy ang Kapulisan ng Moncada, sa pamumuno ni PMAJ JIM R GAMBOA, Chief of Police, sa pagkukumpiska ng mga ilegal na boga at illegal muffler o “wabwab” sa loob ng Munisipalidad ng Moncada bilang bahagi ng pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng mamamayan.
Mahigpit na paalala sa mga magulang na gabayan at bantayan ang kanilang mga anak upang huwag gumawa o gumamit ng boga, sapagkat maaari itong magdulot ng sakuna, pinsala, o aksidente.
Gayundin, sa mga may-ari ng motorsiklo na gumagamit ng illegal muffler o wabwab, hinihikayat po na ibalik ang orihinal na muffler ng inyong sasakyan upang maiwasan ang pagkakahuli at pag-isyu ng tiket.
Disiplina at Kooperasyon para sa Ligtas at Tahimik na Moncada.
#ToServeandProtect
#BagongPNPparasaBagongPilipinasSerbisyongMabilisTapatatNararamdaman
