Moncada MPS, Tarlac PPO
Sa pamumuno ni PMAJ Christian Paul S Lorenzo, OIC, matagumpay na natagpuan ng mga kapulisan ang mga batang iniulat na nawawala at huling namataang nasa Tarlac City. Matapos ang agarang pagsasagawa ng koordinasyon at operasyon, natunton ang mga bata sa Angeles City, Pampanga at ligtas na naibalik sa kanilang mga magulang na residente ng Brgy. Capaoayan, Moncada, Tarlac.
Ang matagumpay na operasyong ito ay sumasalamin sa maagap, mahusay, at dedikadong paglilingkod ng kapulisan sa pangangalaga sa kaligtasan ng mamamayan, lalo na ng mga kabataan.
Muli, pinapaalalahanan ang lahat na agad na magtungo o makipag-ugnayan sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya upang iulat ang anumang insidente ng pagkawala o iba pang pangyayaring nangangailangan ng agarang aksyon. Sa pamamagitan ng maagap na pag-uulat, mas mabilis na makakakilos ang kapulisan at maisasagawa ang kinakailangang operasyon upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.
#BagongPNPparasaBagongPilipinasSerbisyongMabilisTapatatNararamdaman



