Skip to main content

MHO DISASTER RESPONSE


07.26.2025

Umulan man o umaraw, ang ating masisipag na Barangay Health Workers katulong ng ating mga RHU staff at DOH nurses ay patuloy na namamahagi ng doxycycline sa ating mga kababayan.

Ito ay naging posible dahil sa agarang pagtugon ng ating Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Ramon Benito “RB” M. Aquino ng ilapit ng ating Municipal Health Officer Peter Louie Tamayo at DRRM-H Manager Dulce Amor Aquino ang dagdag na pangangailangan ng gamot.

Maraming salamat din sa Provincial Health Office – Tarlac sa pamumuno naman ni Dra. Jeanette Lazatin at Provincial DOH Office – Tarlac sa pamumuno ni Maria Noel Borneo-lim kasama si DMO IV JA Dungca sa patuloy na pamimigay ng suplay ng mga gamot para sa ating mga kababayan.

CLICK LINK FOR MORE: https://www.facebook.com/share/p/1DEzmmbax2/

Written by moncada_admin111 on .