Skip to main content

MGA KUWENTO NG PAGMAMAHAL AT BAGONG SIMULA, TAMPOK SA MONCADA KASALANG BAYAN 2026


LIKHANG PAG-IBIG | Silipin ang mga kwento sa likod ng bawat ngiti, sumpaan, at bagong simula.

Bawat ngiti, bawat luha ng galak, at bawat mahigpit na hawak-kamay, narito ang mga opisyal na larawan mula sa katatapos lamang na Moncada Kasalang Bayan 2026 na may temang “Likhang Pag-Ibig.”

Sa pag-iisang dibdib ng ating mga kababayan, hindi lamang pamilya ang nabuo kundi isang mas matibay na pundasyon ng ating komunidad. Ang bawat larawan ay saksi sa isang pangakong inukit sa puso at binuo sa pagmamahal.

Isang malaking pagbati mula sa Pamahalaang Lokal ng Moncada sa lahat ng ating mga bagong kasal! Nawa’y maging makulay at puno ng pagpapala ang inyong pagsasama.

#LikhangPagIbig#iLiLikhaMoncada

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/198hkmb7RU/

Written by Support on .