Merry Christmas sa ating People with Disabilities Affairs Office at sa ating mga napakahuhusay na PWD members!

21 December 2022
Kahapon, ang Lokal na Pamahalaan ng Moncada sa pamumuno ni Mayor Estelita M. Aquino, ginanap ang Year-end General Assembly at Gift Giving para sa ating mga Barangay PWD Presidents. Ito ay pamaskong handog sa ating mga kailyan na may kapansanan na naglalayun mahikayat sila na aktibong makilahok sa mga aktibidad ng pamahalaan.
Sa aming mga paunahing tagapagsalita na sina Ms. Rosalina Santos ng Victoria, Tarlac at Mr. Rey Cariaga ng Paniqui, Tarlac, maraming salamat sa inyong mga binahagi na Best Practices and Initiatives sa PWD sektor ng inyong bayan.
Sa ating MWSDO, Ms. Mildred Arciaga na laging gumagabay sa atin, maraming salamat po.
At lubos na nagpasasalamat ang Moncada PDAO, sa mabuting kalooban ng mga sponsors sa raffle prizes:
1. Vice Mayor Ramon Benito M. Aquino – Sangguniang Bayan ng Moncada
2. Mr. Fernandito Patiten – Chairman, Samahang Ilokano Kabagis, Epsom Chapter, UK
3. Ms. Mariane Ayson
Muli, maraming salamat po sa inyong lahat na tumulong at nakibahagi!
Merry Christmas and Happy New Year!

EMERGENCY ASSISTANCE

CONTACT INFORMATION

(045) 606 – 5374
(045) 606 – 5405
(045) 606 – 5406
info@moncadatarlac.gov.ph

VISITOR COUNTER

044846

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

ABOUT GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.

Official Website of Municipality of Moncada