Mayor Estelita M. Aquino expresses her gratitude to everyone who helped during Typhoon Karding

Sa Moncada, Laging Sama-sama!
Maraming maraming salamat sa lahat ng tumulong upang ating malampasan ang sakunang ito. Alam kong mahirap labanan ang mga gantong hindi maiiwasang sitwasyon ngunit dahil sa inyo, atin nanamang napatunayan na ang pagtulong sa ating mga kailyan ang susi sa isang nagkakaisang bayan.
Thank you so much sa ating MDRRMO at Motorpool Personnel sa inyong walang kapagurang pagtatrabaho lalo na sa gantong panahon. Gayundin sa ating mga kapulisan at BFP sa hindi ninyo pag-iwan sa ating lokal na pamahalaan sa mga gantong sitwasyon.
Nagpapasalamat din ako sa ating MSWD sa kanilang pangangasiwa sa ating mga relief goods na ating ipinamigay sa lahat ng ating evacuees. Gayundin kay Congressman Jaime Cojuangco, Provincial Government of Tarlac through the leadership of Gov. Susan Yap, at Red Cross, maraming maraming salamat sa tulong na inyong inihatid para sa aming mga kababayan.
At sa inyo mga kailyan, maraming salamat dahil kayo ay tunay na nakiisa sa paghahanda at hindi kayo nagdalawang isip na tulungan din ang inyong mga sarili upang masiguro ang inyong kaligtasan.
Higit sa lahat, salamat sa ating Panginoon dahil hindi nya tayo pinabayaan at iniligtas nya tayo sa anumang malubhang pinsala na maaaring dalhin ng #KardingPH
Ingat tayo always mga kailyan!

EMERGENCY ASSISTANCE

CONTACT INFORMATION

(045) 606 – 5374
(045) 606 – 5405
(045) 606 – 5406
info@moncadatarlac.gov.ph

VISITOR COUNTER

031090

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

ABOUT GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.

Official Website of Municipality of Moncada