Skip to main content

MARAMING SALAMAT!


Ako po ay lubos na nagpapasalamat una, sa Panginoon sa pag-gabay sa aking lakbayin bilang Punong Bayan ng Moncada. Nawa’y patuloy niya tayong basbasan ng mas marami pang biyaya. Lagi kong hiling sa kanya ang mas mapabuti ang pamumuhay ng bawat isa sa atin.

Ikalawa, sa lahat ng ating kailyan sa tiwalang inyong ipinagkaloob sa akin. Kayo ang dahilan kung bakit mas ganado akong magserbisyo. Ang lahat ng tagumpay ng ating bayan ay nagmumula sa inyo. Kami po ay laging nandito at hinding-hindi ko po tatalikuran ang aking responsibilidad na maglingkod para sa ikabubuti nating lahat.

Gayundin ang lubos kong pasasalamat kay Mama Lita at kay Papa Benny sa kanilang maayos na pagdidisiplina sa amin. Lagi kong tatandaan ang inyong pangaral na ang pagpapakumbaba, pagrespeto sa tao anuman ang posisyon sa buhay, at ang pagtatrabaho ng may integridad ang tunay na susi sa tagumpay.

Sa aking mahal na asawa, Rizza, maraming salamat sa lahat ng pagsasakripisyo. Alam kong minsan ay hindi madali ang sitwasyon, at ako’y lubos na nagpapasalamat dahil lagi kang nariyan upang ipa-alala sakin na ang lahat ng problema ay may solusyon.

To my very cute na Adi, thank you sa pagpapagaan ng lahat. Palaging napapawi ang aking pagod sa tuwing nakikita kitang nakangiti.

Mama Len and Papa Zaldy, maraming salamat po sa inyong pag-gabay at pagsuporta.

Sa ating mga katrabaho sa lokal na pamahalaan: mga department and unit heads; mga empleyado; Sangguniang Bayan headed by VM Jessie E. Aquino kasama ang mga konsehal; National Agencies; Barangay and SK Officials; mga organisasyon lalung-lalo na sa ating Local People’s Council, maraming salamat po sa inyong suporta.

Sa lahat ng ating mga kailyan, alay ko po ang paglilingkod ng tapat. Agyamanak la unay iti panag-ayat yo kanyak ken iti ili tayo.

Mahal ko po kayong lahat!

Muli, mabuhay ang Moncada!

Click Here: https://www.facebook.com/share/p/1DM2bg1XjC/

Written by moncada_admin111 on .