Maligayang Pagdating sa Bayan ng Moncada, at sa Lalawigan ng Tarlac!
Ngayong araw ay mainit nating tinanggap sa ating bayan ang mga Kalihim ng Sanggunian (SB/SP Secretaries) mula sa iba’t ibang lalawigan ng Central Luzon. Sila ay kabilang sa Philippine League of Secretaries to the Sanggunian, Inc. (PLEASES, Inc.) Region III – Central Luzon Chapter.
Bukod sa kanilang pagpupulong ay kanila ring nasaksihan ang isang presentasyon mula kay Mr. Andrew Corpuz ng Moncada Tourism, Arts, and Cultural Affairs Office, na ipinagmamalaking ipinakilala ang natatangi nating Kamote Festival sa mga lalawigan ng Gitnang Luzon.
Hangad ko po ang mas marami pang tagumpay ng inyong Liga, dearest Secretaries! Tunay ngang kayo ang haligi ng ating mga lokal na lehislatura! ![]()
#KayGandaMoMoncada#TamisNgMoncada










CLICK LINK FOR MORE: https://www.facebook.com/share/p/176NWtqzjc/
