Skip to main content

MAGING RESPONSABLENG AMO, HUWAG HAYAANG GUMALA ANG ALAGANG PUSA’T ASO!


Ang Rabies ay hindi birong sakit at hindi pwede isantabi. Seryosong sakit ng hayop na maaring ipasa sa tao. Ito ay isang bayrus na nasa laway ng hindi bakunadong hayop at sa pamamagitan ng pagkagat nito ay naipapasa ang bayrus sa tao at hayop.

Ang Rabies ay 100% na maiiwasan kung susundin natin ang programa ng mga beterinaryo at lokal na pamahalaan ng bawat lungsod o munisipalidad.

Kaya ugaliin natin na ipabakuna ang ating mga alaga taon-taon para maiwasan natin na makapitan ang ating mga alaga ng nakakamatay na RABIES.

PS. kung tayo man po ay makakagat ng mga alaga natin, hugasan ng malinis na tubig at sabon ang sugat. At, agarang pumunta sa pinakamalapit na Animal Bite Center para kumunsulta at magpagamot.

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/19cVUMyf4b/

Written by moncada_admin111 on .