
LGU Moncada, Nanguna sa Dagdag Na P2/kg sa Buying Price ng NFA
Pormal nang inilunsad ng Lokal na Pamahalaan ng Moncada ang karagdagang dalawang piso kada kilo sa buying price ng NFA mula sa mga magsasaka ng Moncada.
Layunin ng programang ito na matulungan ang palay farmers ng bayan upang makabawi sa bumababang halaga sa pagbebentan ng kada kilo ng palay.
Ang Moncada ang unang bayan sa Probinsya na nagpatupad ng programang ito, bukod pa sa pisong dagdag na ipinatupad naman ng Pamahalaang Pamprobinsya.