LEAD LIKE THE BABAYLANS, FILIPINAS!
Babae ka. Hindi Babae lang!
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Women’s Month, matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Lokal ng Moncada sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) na pinapangunahan ni Ma’am Mildred G. Arciaga, RSW, ang isang masigla at makabuluhang selebrasyon na naglalayong itaguyod ang kalusugan, kaalaman, at pagpapalakas ng kababaihan sa komunidad.
Naging bahagi ng programa ang Color Fun Run, Zumba Fitness Activity, at Symposium na dinaluhan ng iba’t ibang sektor tulad ng Child Development Workers, OFW Association, KALIPI members, Solo Parents Association, Women with Disabilities, Barangay Secretaries, VAW Desk Officers, PYAP Officers, Child Representatives, PNP Moncada Police Station, BFP Moncada, at JUST DANCE Zumba Group.
Sa symposium, nagbahagi si Atty. Maggie Moc-eng tungkol sa R.A. 9262 (Anti-VAWC Act) habang si Ma’am Crystal Faith Dantes, RSW ay nagtalakay ng R.A. 11313 (Safe Spaces Act) upang palawakin ang kamalayan ng komunidad sa mga batas na nagtataguyod ng karapatan at proteksyon ng kababaihan.
Isinagawa rin ang Free wellness Session sa pangunguna ni Bishop Jessie A. Abalos mula sa Local Association of Municipal Pastors (LAMP), na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalusugan at kabuuang kapakanan.
Ang aktibidad ay naging matagumpay sa tulong ng suporta ng Pamahalaang Lokal sa pangunguna ni Mayor Hon. Ramon Benito M. Aquino at sa aktibong pakikiisa ng iba’t ibang sektor ng komunidad.
Sama-sama nating ipinagdiriwang ang lakas, kakayahan, at mahalagang papel ng kababaihan sa paghubog ng mas matatag at inklusibong komunidad.



CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/18GYyTnUpK/
