LAWA AT BINHI | Sama-samang Pagsulong para sa Masustansya at Sapat na Pagkain at Tubig sa Moncada!
Sa kabila ng mga hamon sa pangkabuhayan at pagbabago ng panahon na nagdudulot ng banta sa supply ng pagkain at pagtaas ng presyo ng bilihin, patuloy na naghahanap ang bayan ng Moncada ng mga positibong hakbang upang matiyak na ang bawat pamilya ay may sapat, masustansya, at abot-kayang pagkain sa kanilang hapag-kainan.
Sa pamamagitan ng Project LAWA (Local Adaptation to Water Access) at BINHI (Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished) ng DSWD katuwang ang LGU Moncada at Provincial Government of Tarlac, isinagawa ang mga pagsasanay at Cash-for-Work/Training program. Sa ilalim nito, nagtayo ng mga imbakan ng tubig at nagtatag ng mga komunal at bakurang hardin ng mga gulay (communal and backyard vegetable gardening) gaya ng sitaw, kalabasa, at talong para sa tuloy-tuloy na ani.
Inaasahan ang mas laganap na sustenableng pangkabuhayang pang kumunidad at agricultural na interbasyon na naglalayong mapaigting ang community-resilience at pagpapalago ng socio-ekonomikong estado ng mga beneficiaries.

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/19s7sfKDXv/
