Skip to main content

Kinilala Ang Mahusay na Komunikasyon ng Lokal na Pamahalaan ng Moncada sa Pamahalaang Panlalawigan ng Tarlac

2 OCTOBER 2021 | Personal na pinuri at pinasalamatan ng iba’t ibang personalidad mula sa Provincial Health Office, DOH at UNICEF ang maayos at patuloy na paghahatid ng bakuna ng lokal na pamahalaan ng Moncada na kung saan ang ating Bayan ang may pinakamataas na immunization coverage (72%) para sa A2 priority group na kinabibilangan ng mga Senior Citizens.

Ayon kina Ms. April Caligagan, Provincial Health Office – National Immunization Program Coordinator; Joseph Loteria, UNICEF Consultant; Jayson P. Soriano at Jerico Cornel, Development Management Officers, ang immunization microplan ng bayan ng Moncada ay tunay na natatangi.

Pinagusapan din kung paano mapapanatili ang bisa ng bakuna sa pamamagitan ng pagdadagdag ng vaccine refrigerators.

Bukod pa rito, kinilala rin nila ang mahusay na komunikasyon ng Lokal na Pamahalaan ng Moncada sa Pamahalaang Panlalawigan ng Tarlac at iminungkahing ipagpatuloy ang pagrerequest ng mas marami pang bakuna para sa ating mga kababayan.

Positibo naman ang naging tugon ni Mayor Estelita M. Aquino at nangakong gagawin ang lahat katuwang ang mga bumubuo ng pamahalaang lokal upang maipagpatuloy ang pamamahagi ng bakuna sa lahat ng residente ng bayan.

#Resbakuna
#BakuNATION

Official Website of Municipality of Moncada