KABUHAYAN PARA SA MAS MATATAG NA PAMUMUHAY!
Isang matagumpay na hakbang tungo sa mas matatag na kabuhayan ang naisakatuparan noong ika-30 ng Setyembre sa pamamagitan ng pamamahagi ng Livelihood Assistance sa 75 benepisyaryo, kabilang ang mga magsasaka ng Baquero Norte at mga Profiled Child Laborers (PCLs).
Mula sa profiling at pagtukoy sa mga kwalipikadong benepisyaryo, hanggang sa pagproseso, pag-grant, at tuluyang pamamahagi ng livelihood assistance, naging posible ang programang ito sa pamamagitan ng pagtutulungan ng LGU Moncada, sa pamumuno ni Mayor RB Aquino at Vice Mayor Jessie E. Aquino, DOLE Tarlac Field Office, sa pangunguna ni Officer-in-Charge, Chief Jason P. Ocampo, DOLE Regional Office III, at kay Secretary Francis N. Tolentino.
Taos-pusong ang aming pasasalamat sa pag suporta sa programang naglalayong magbigay ng dagdag na oportunidad at kabuhayan sa ating mga mamamayan.
Muli isang malugod na pagbati para sa mga ating mga benepisyaryo. Nawa’y magsilbi itong tulay tungo sa mas masagana, matatag, at maunlad na kinabukasan.
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/19kVWZ75iQ/
