
Japanese Encephalitis Immunization Schedule
Ang JAPANESE ENCEPHALITIS virus ay isang sakit na dala ng kagat ng lamok. Ito ang pangunahing nagdudulot ng mga kaso ng encephalitis or pamamaga ng utak sa Asya. Sa ngayon may mga naitala nang mga kaso sa ibat ibang rehiyon ng ating bansa.
Upang labanan ang Japanese Encephalitis. May ligtas at epektibong bakuna para dito. Matagal na po itong ibinibigay sa mga pribadong klinika at hospital. Sa ngayon magbibigay ang DOH ng libreng bakuna para sa mga batang edad 9 na buwan hanggag bago mag 15 na taong gulang(9 mos to LESS THAN 15 YRS OLD) . Maari po lamang na magpunta sa inyong mga Brgy. Health Centers o Barangay Hall sa sumusunod na petsa.