Isang maligaya at makabuluhang Pasko mula kay Vice Mayor RB Aquino

Ngayong Pasko sana ay patuloy pong mamayani sa ating mga puso ang diwa ng pagmamahalan, pagbibigayan at pagmamalasakit sa ating kapwa. Hindi lamang po tuwing sasapit ang Pasko kundi maging sa araw araw nating pamumuhay, may posisyon man tayo sa pamahalaan o pangkaraniwang mamamayan ay maaari po tayong magbigay ng saya at pag-asa sa bawat isa.

Bagama’t napakarami po ng ating mga nalampasang pagsubok, hindi po tayo natinag at patuloy tayong tumatayo at nananalig upang maging mas matatag sa kung ano man ang paparating sa ating hinaharap.

Moncadenians, mga kailyan… kayo po ang patuloy na nagbibigay pag-asa at liwanag sa ating mahal na bayan. Dalangin ko po ang isang mapayapa, maligaya at makabuluhang selebrasyon ng kapaskuhan para sa ating lahat.

EMERGENCY ASSISTANCE

CONTACT INFORMATION

(045) 606 – 5374
(045) 606 – 5405
(045) 606 – 5406
info@moncadatarlac.gov.ph

VISITOR COUNTER

044849

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

ABOUT GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.

Official Website of Municipality of Moncada