Isang kwago, napulot sa kalsada ng barangay San Roque
TINGNAN | Isang kwago, napulot sa kalsada ng barangay San Roque, bandang alas syete ng gabi nitong Martes, Marso 25, 2025.
Agad naman itong dinala ni Mark Joneil Labajo, isang residente mula sa brgy. Tubectubang at siyang nakapulot ng kwago,
kay Mr. Andrew Corpuz.
Ngayong umaga ay pormal ng naisurrender ni Mr. Corpuz ang kwago at kasalukuyan ng nasa pangangalaga ng Municipal Environment and Natural Resources Office sa pangunguna ni Ma’am Wilma Balgos.
Muling pinaalalahanan ang publiko na kung sakaling may makita or makuhang ganitong uri ng ibon ay agad na ireport sa Municipal Environment and Natural Resources Office – Moncada o sa Moncada Agriculture Office upang mailigtas at maibalik sa natural nitong mga tirahan.

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1En7XoPzfH/
