Skip to main content

Inauguration Blessing and Turn Over

TINGNAN | Pinasinayaan at binasbasan na ang tatlong bagong silid-aralan ng Atencio Elementary School noong ika-10 ng Agosto, 2023.
Ibinahagi ni Mayor Estelita M. Aquino kung paano naisakatuparan ang proyektong ito. Bukod pa dito ay hiniling ng alkalde na alagaan ang mga gusaling ito nang sa gayo’y mas marami pang mag-aaral ang mapagsilbihan ng imprastrakturang ito.
Nagwika din ng pasasalamat si Vice Mayor RB Aquino sa lahat ng guro sa mga sakripisyong kanilang ginagawa para sa lahat ng mag-aaral.
Nagako naman ang school head ng naturang paaralan at PSDS ng distrito na kanilang sisiguruhin ang pagpapanatili ng gusali.
#Edukasyon #infrastructure #development #AlpasMoncada #ParaSaBataParaSaBayan

Official Website of Municipality of Moncada