IKA-40 ANIBERSARYO NG PAGPANAW NI JOSE J. ROY
Noong Marso 14, 1986, pumanaw ang mambabatas na si Jose J. Roy. Nakilala siya para sa mga batas na nagpapaunlad sa pananalapi at ekonomiya ng Pilipinas.
Isinilang siya sa Moncada, Tarlac noong Hulyo 19, 1904. Nag-aral siya ng elementarya at sekundarya sa Tarlac at kinailangang magtrabaho upang matustusan ang pag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas. Nagtapos siya roon ng batas noong 1930 at pumasa sa sumunod na pagsusulit ang eksamen.
Nagsimula siyang magtrabaho bilang abogado sa Public Service Commission bago tumungo sa pribadong pag-aabogado. Noong digmaan, umiwas siya sa gulo hanggang sa kupkupin ng punong bayan ng Kawit, Cavite na si Marcelino Velez. Sa aklatan nito siya nagbasa-basa sa pagbabangko, ekonomiks, pananalapi, at usaping pansakahan. Makatutulong ang kaalamang ito sa kaniyang karera sa politika.
Noong 1946, pumasok siya sa politika bilang kinatawan ng unang distrito ng Tarlac. Hindi siya natalo sa halalan at noon pa ngang 1961 ay nahalal bilang Senador. Nagsisilbi siyang Majority Leader noong 1966 hanggang 1967, at Presidente pro tempore ng Senado ng Pilipinas simula 1968 hanggang ipatupad ang Batas Militar sa ilalim ni Pangunong Ferdinand Marcos Sr. noong Setyembre 23, 1972.
Sa halos 26 taon niya sa Kongreso, isinulong niya ang mga batas na makatutulong sa mga mamamayan. Kabilang sa mga ito ang Central Bank Act, 70/30 Rice Crop Sharing Law, Industrialization Act, Rural Bank Act, General Banking Act, Congressional 5-Year Economic Development Plan, Agricultural Tenancy Acy, Land Tenure Act, Ramie Incentive Act, Tarriff & Customs Code of 1957, unang Anti-Graft Act, at batas na lumilikha sa Rehabilitation Finance Corporation at Development Bank of the Philippines.
Simula iapatupad ang Batas Militar, bumalik siya sa pribadong pag-aabogado. Naging Pangulo rin siya ng Partido Nacionalista (NP) noong 1981. Bagaman pabor siya sa panguluhan ni Marcos Sr., tutol siya sa sapilitang pagpapasanib ng mga partidong pulitikal tungo sa Kilusang Bagong Lipunan. Pinatakbo ng NP si Alejo Santos bilang kalaban ni Marcos Sr. sa halalan nang taon na iyon, bagaman nagboykot ang maraming miyembro ng NP.
Mga Sanggunian:
Crisanto, Carmelo A. at Joyce M. Crisanto. 2007. Building the Nation First 100 Years Nacionalista Party 1907-2007. Lungsod Las Piñas: Villar Foundation.
“Jose J. Roy.” walang petsa. Senate of the Philippines. Nakita noong Marso 14, 2026 sa https://legacy.senate.gov.ph/…/former…/jose_roy.htm.
Roy, Ronald. 2015. “Jose J. Roy.” The Musings of Ronald Roy, Marso 6, 2015. https://musingsbyroy.wordpress.com/2015/03/06/jose-j-roy/.
Urera, Vivencio (Bebeng). 1966. Philippine Government Elective Officials 1966 Semi Pictorial Directory. Ika-2 Edisyon. Maynila: Urema Publishing Co., Ltd.
Valenzuela400. 2024. “File:Jose Roy family graves1.jpg.” Wikimedia Commons, Enero 5, 2024. https://commons.wikimedia.org/…/File:Jose_Roy_family….
. . .
May saysay ang kasaysayan. Ikalat pa natin:

I-like at i-follow ang Project Saysay at Project Vinta

Bisitahin ang www.psaysay.org

Usap tayo paano pa natin mapapalakas ang public history sa project.saysay@gmail.com
