Skip to main content

Huling pagbasa ang panukalang Ordinansa na magtatalaga ng bicycle lanes sa Bayan ng Moncada

SB SESSION HALL, MONCADA | Ngayong araw, sa kanilang ika-29 na regular na pagpupulong ay inaprubahan ng Sangguniang Bayan sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang Ordinansa na magtatalaga ng bicycle lanes sa Bayan ng Moncada. Ito ay bilang tugon sa dumadaming bike users sa Moncada na ginagamit ang bisekleta bilang alternatibong sasakyan sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Matatandaan naman noong nakaraang Linggo, sa ika-28 na sesyon ng Sanggunian ay kanila namang ipinasa ang Ordinansang magpapatibay sa PUBLIC EMPLOYMENT SERVICE OFFICE na naglalayong mabigyan ng mas maraming oportunidad ang mga naghahanap ng pangkabuhayan at mapapasukan ng trabaho. Ganun din ang Ordinasang magpapa-igting sa mga programang magsusulong ng karapatang pantao ng mga bata at kababaihan sa ating Bayan.

Ang Sangguniang Bayan o Konseho ng Moncada ay pinamumunuan ng Bise Alkalde na si KGG. Jaime “Jiggs” Obillo Duque.

19 July 2021

Official Website of Municipality of Moncada