Huling araw ng mga first batch ng reformists na nanatili sa #BalaySilangan

NGAYONG ARAW ay ang huling araw ng mga first batch ng reformists na nanatili sa #BalaySilangan sa loob ng isang buwan. Bago pa man sila makauwi kaninang umaga upang muling makasama ang kanilang mga pamilya ay nagsagawa ang Lokal na Pamahalaan ng Send-Off Ceremony. Nagbahagi rin ng mga masasayang karanasan ang mga reformist at nagpaabot ng kanilang lubos na pasasalamat sa #Malasakit na ipinagkaloob sa kanila.
Nagkaroon rin ng simpleng salo-salo kasama ang kanilang mga pamilya. Sa kanilang pag-uwi sa kani-kanilang mga tahanan ay mayroon ring pabaon na bigas at facemask.
Pansamantala munang magsasara ang Balay Silangan at muling magbubukas sa Agosto para naman sa ikalawang batch ng mga reformist.

EMERGENCY ASSISTANCE

CONTACT INFORMATION

(045) 606 – 5374
(045) 606 – 5405
(045) 606 – 5406
info@moncadatarlac.gov.ph

VISITOR COUNTER

045546

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

ABOUT GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.

Official Website of Municipality of Moncada