HOUSE BILL NO. 11407: INCREASING THE BED CAPACITY OF CONGRESSMAN ENRIQUE “HENRY” M. COJUANGCO MEMORIAL DISTRICT HOSPITAL FROM 17 TO 100 BEDS
Kailangan nang madagdagan ang kapasidad ng ating ospital sa Moncada. Sa dami ng mga pasyenteng nangangailangan ng pangangalaga, hindi na sapat ang kasalukuyang 17 authorized beds nito.
Kaya inihain natin ang House Bill No. 11407 upang itaas ito sa 100 beds. Kasama sa panukala ang pag-upgrade ng facilities at medical services, pagdagdag ng healthcare personnel, at paglalaan ng pondo para rito.
Ang Congressman Enrique “Henry” M. Cojuangco Memorial District Hospital ay takbuhan ng mga pamilya mula sa Moncada, Paniqui, Anao, Pura, at San Manuel, pati na sa Cuyapo at Nampicuan sa Nueva Ecija. Dahil sa dami ng pasyente, maging ang mga hallway ay nagagamit na para ma-accommodate ang mga nangangailangan ng gamutan.
Our healthcare workers need support, too. Kailangang may sapat na mga doktor, nurse, at support staff, kasama ang maayos na pasilidad at kagamitan, para matutukan ang bawat pasyente.
Itutulak natin ang pagpasa ng panukalang ito, Kailyans. Ang nais natin, kapag may sakit ang isang mahal sa buhay, may ospital tayong malalapitan na may sapat na kakayahang alagaan sila.

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1BpPZpfQK2/
