HAPPY TEACHERS’ MONTH!
Bayani ang turing, ngala’y di lilimutin
Paglinang sa mag-aaral, misyong pangunahin
Mga gawain, minsa’y di na kayang hatiin
Dahil sa dami, ng kanyang tungkulin.
Puyat ma’t nanghihina, kinabukasa’y haharapin
Para sa edukasyong ipinangako sa atin
Tambak na papel, kanyang aatupagin
Nalulumbay man, sa klase ay ngingiti pa rin.
Oh huwaran ka, Guro ng Moncada
Susunod na henerasyon, ikaw ang kumakalinga
Mga leksyon mo, bukas ay legasiya
Salamat sa serbisyong buhay mo ang nakataya.
Maligayang Buwan ng mga Guro, kailyan!
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/17YBgYKrDL/
Written by moncada_admin111 on .
